Eskuwela Maralita: Buod ng rekomendasyon para sa pagbubuo ng pansamantalang pansuportang eskuwelahang pangkomunidad sa Sitio San Roque


Ang krisis na dulot ng pandemya ng COVID-19 ang isa sa pinakamasaklaw at pinakamalaki ang epekto sa maralitang lungsod. Dahil sa militaristikong tugon ng pamahalaan sa krisis, naging primaryang suliranin ng maralita ang isyu ng kabuhayan (higit pa sa kalusugan). Kakabit nito, ang krisis ng akses sa edukasyon.

Tinitignan ng papel na ito ang mga pangunahing suliranin na susulpot sa ‘distance learning’ approach mula sa perspektiba ng mga residente ng mga maralitang komunidad at nagbubukas ng mga ideya papunta sa kung paano ang isang pansamantalang pansuportang eskuwelahang pangkomunidad ang maaring maging tugon rito.

Ang konseptong ito ay pinresenta sa naging dayalogo ng KADAMAY San Roque at ng Quezon City Education Affairs Unit noong Oktubre 2020. Inilimbag ito sa ilalim ng programa ng panlipunang proteksyon ng Inklusibo.

Isinulat ni Nanoy Rafael kasama ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *